MINDANAO KINI (this is Mindanao)

my journey in the language of the heart...

Language is a powerful medium for the expression of the inner thoughts of human beings – it is a vital inner asset which is inseparably linked with their fundamental characteristics.
-- P.R. Sarkar writings in 1981


SA TOTOO LANG first time ko itong sumali sa writing contest, kasi nung sa college pa ako, limited ang opportunity, at pili lang ang mga participants sa contest… buti na lang na-uso itong blog, at least I’ve now the chance nga mo apil sa Wika 2007 Blog Writing Contest.

Pagpasensya na jud kung medyo duol-duol sa deadline ang submission ng aking entry. Two days na kasing walang kuryente sa bahay. Actually, walay brown-out at hindi rin ako naputulan (defensive) - may sira lang talaga ang kuneksyon sa bahay at saka mabagal mag-respondi ang aming electric cooperative… iisa lang kasi ang technician sa aming district na may mahigit sa 100-T household consumers. Oppppppps, teka.. teka nga.. medyo pumapalaot na yata ako… tungkol nga pala sa Wika ang subject matter, at hindi sa kakaramput na reklamo sa SOCOTECO, syanga baka ma-buwes.....it lalo ang buhay ko.

Naisipan ko mag-focus sa Mindanao, sa wikang sang-ayon sa kaugalian at kultura ng lipunan aking nakapanayam mula pa sa pagkamusmus hangang sa magkabalbas. Nakaka-in-love kasi itong isulat, ang magkuwento ng mga sentimentong asukal, ang mag-isip ng matatamis dulut ng maiinit na kape habang nagsasanay. Ito rin ang dahilan na nag-udyok sa akin upang lumahok sa contest, lalo na sa Misteryosa Award, kilig talaga ako na mabilang ni Ms. Shari... sa flavor ng KSP (kapus sa pansin). Ayaya... maayo unta mudaog... :-)

Sa pagkakaalam ko marami parin ang walang kamalayan patungkol sa multi-cultural dynamics ng Mindanao…. Lalo na sa mga taga Metro Manila na hindi pa nakapunta ng Mindanaw, at sa mga taga Visayas na may balak mo-anhi dinhe sa yutang nasaad (welcome kamong tanan sa promise land).

ARE-WEE-DER-YET? Na-try n’yo na ba maging turista sa Mindanao? Nasubukan n'yo na ba ang maglakbay sa Kagayhaan, Vergara, Dadiangas, Kutawato, Dansalan, Hingood, Layawan, Siripolo, Guinalihan, etc.. ang magmuni-muni sa Siargao at mamangka sa Taluksangay hangang sa Simunol? At kapag nagawa n'yo nato, makikilala mo ang misteryosa sa katauhan ng Mindanao.


Mindanao, Anhi na mo dinhi sa Mindanao
Uban na mo dinhi sa Mindanao
Ug magpugas ug kalinaw…



ITO yong ala-ala ko sa concert sa UP Diliman noong mid-80s, doon ko unang narinig ang lyrics ni Joey Ayala at Ang Bagong Lumad, tungkol sa sentiments ng Mindanao. At sa awit nato, Joey had bring-out a snapshots about Mindanao is not really a war zone. Mindanao is the best place to visit... the new investment destination in the south.

ANG MINDANAO ay nagmula sa salitang Danaw (means lake). Kaya ang kahulugan ng Mindanao ay lupain ng mga lawa (lakes). At ang Maranaw or Maguindanaw (means the people who live around the lake). Mahigit 21 lakes meron ang Mindanao, na syang pinagmulan ng malalaking sapa, ang Ilog ng Kasaysayan -- at karamihan nito makikita sa Ranaw (Lanao) at Kutawato (Cotabato) areas.


bituin sa lupa
kumikislap sa kapatagan
nakikita kita
ngayon at tuwing gabi


MADAYAW! Alam n’yo ba kung saang lugar sa Mindanao ang Vergara at Nueva Guipuzcao? Ang Vergara is the old name of the place in Davao City… At ang Nueva Guipuzcao is the former undivided Davao province, na syang domains ng mga ethnolinguitic groups, gaya ng tribong BAGOBO, UBO MANOBO, TALAINGOD, LANGILAN, TAGABAWA, at MATIGSALOG.

Speaking of the lumad sa s'yudad, Davao City is the lone habitat of The Usual Suspects -- kung saan gaganapin ang 1st Mindanao Blogger Summit ngayon October 27, 2007. Please come to visit Dabaw at kumain ng Durian... try mo rin makipag-chikahan sa mga Batang Yagit... I’m sure they know where to enjoy hopping... doon sa pugad ng mga Agila (the Philippine Eagle) – the pride of Davao eco-tourism experience. By the way, 90% of the Davaoeños are Cebuano speaking.

I’m not a lumad from Davao... tubong Dadiangas ako. Nagkataon lang sa Dabaw nako natagpuan ang kalihukan ng Kaliwat Theater Collective. Didto nako nakilala si Nestor Horfilla at Geejay Arriola -- ang mga limot na artista sa baryo -- na syang nagbigay daan sa akin upang magkaroon ng kaalam batay sa literature, arts, and culture na nagsasalamin ng isang lipunan tulad ng Mindanao.


bulaklak sa paanan naghihintay ng pansin
ano pa ang buhay niya kundi mo langhapin
ang bato sa batis - kinis niya'y masasayang
kundi mo mahaplos ang pisngi niyang alay

Malawak ang lupain sa Mindanao, kaya’t malawak din ang maaring pag-aralan tungkol sa wika… Minsan nga naitanong ko sa sarili, ano kaya kung ang sentro ng Philippine government ay nasa Cotabato? Siguro lahat ng Pilipino marunong din ng Maguidanaon? At siguro hindi wikang Pilipino ang tawag doon, kundi wikang Moro… meron ba non?

Maraming tanong sa aking isipang, kaya marami din akong natagpuan na kasagutan. At ang alam ko… walang wikang Pilipino (or Filipino) at kagaya din sa Mindanao, walang wikang Moro. Dahil ang wika ay hindi nakakulong sa puder ng nasyonalismo. Ang wika ng Tao ay iisa.. at iyon ang "wika ng loob" (language of the heart).. nag-iiba lang ang tunog, sayaw at indak nito sa "wika ng dila" (language of the tongue). Ang inang-wika (mother tongue) ay syang mahalaga na dapat natin simulan pagyamanin upang hindi maging tuliro gaya ni Ms. Lizbeth...

Let us learn to love all the language of the world, the way we love our kapwa-Tao. Mabuhay tayong lahat!








2 comments:

  1. Medyo nahirapan ako basahin ang iyong entry dahil sa kulay ng text.

    Ako ay nakapunta na sa Visayas at Mindanao. Sa mga lugar na kagaya ng Davao, Cagayan De Oro, at General Santos, hindi ko maramdaman ang mga agam-agam na nasusulat sa mga balita.

    ReplyDelete
  2. Daghang salamat sa pagsulat niini. Nalipay ko kay nagtoo ko nga pinaagi niini mahimong mausab ang pagtan-aw sa kadaghanan sa Mindanao. Ug unta ilang mahibaloan nga ang Mindanao yuta nga adunahan ug malinawon sa kinatibuk-an.

    Makalipay ang comment ni ma'am Toral, siya mismmo nakasinati unsa ang tinuod nga Mindanao - dili gubot sumala sa na-portray sa national media..

    ReplyDelete